Sining sa Basura Naging Pera

 


Ano ang layunin ng proyektong ito?
1. Maipakita ang angking talento ng mag-aaral pagdating sa pagiging malikhain sa paggawa ng panibagong kasangkapan mula sa basura gamit ang ilang elemento ng sining.
2. Makatulong sa paaralan, bahay, at maging sa barangay upang maibsan ang lumalaking problema patungkol sa maling pagtatapon ng basura.
3. Kumita mula sa basura.

Ano ang layunin ng pagsali ng aktibidad na "patsamba-tsambang pagluluto"?
1. Subukin ang kaalaman ng mag-aaral pagdating sa pagtuklas ng panibagong lutuin mula sa paggamit ng imahinasyon kung ano ang magiging kinalabasan kapag ipinagsama-sama o lagyan ng panibago pakulo ang lutuing alam na nila. Maging ang lasa ng mga sangkap na ginamit na naaayon sa tamang kombinasyon na magreresulta ng masarap na putahe.

Anu-ano ang mga ginawang preperasyon ng mga mag-aaral upang maisakatuparan ang proyektong ito?
Makikita  sa larawan ang mga preparasyong ginawa bilang paghahanda para sa gaganaping exhibit.

"Buti pa ang basura makikitaan mo ng halaga, pero 'yong 'feelings' ko sa 'yo lagi mo na lang binabalewala." (Naks!)


October 19, 2017 Kung saan hinarap ng mga mag-aaral ang panibagong umaga na literal na walang tulog.

Ito ang ilan lamang sa mga produktong makikita sa araw ng'exhibit'

 "Kahit basura ay mapagkakakitaan kapag tiyaga ay pinanguna at malikhaing isipan ay pinagana"
 "Ang minsang itinapon mo'y mabibigyan ng halaga ng iba."
 "Kung laruan ang kailangan, plastic bottle at pandikit tiyak na sasapat na."
 "Ang minsang itinapon, ay mabibili na sa abot-kayang halaga."
 "Mga kaalaman ay ipunin, pagsamahin upang maging gabay sa pag-asenso."
 "Kaoag naging bukas sa pagtuklas, magandang kinabukasan ay ating mamamalas."
 "Utak, tiyaga at disiplina kapag pinagsama tiyak aasenso ka."
 "Kooperasyon ang pangunahing sangkap upang makamit ang pamantayan sa pagganap."
"Tiwala ang kailangan upang matuklasan ng kabataan ang kanilang kakayahan."

Sa kabuuan, buong husay na naipakita ng mga mag-aaral sa paaralang Pipisan Maug National High School ang kanilang mga likha. Napansin din ang bahagyang pagbaba ng mga basura sa kung saan-saan at nahanapan ng panibagong silbi ang mga nagkalat na basura sa daan. Natuto ang mga mag-aaral habang gumagawa. Nakamit ang pamantayan sa pagganap na inilatag ng bagong kurikulum ng k-12 na siyang inaasahang maging mahusay ang lalabas na produkto ng paaralan upang makasabay sa kompetetibong mundo.

Comments